Below is a speech that I wrote for Buwan ng Wika Celebration of Bubog Elementary School.
Sa mga mag-aaral, guro, at opisyal ng Bubog Elementary
School, isang Magandang Umaga sa inyong lahat!
Ako’y nagagalak at ako’y naimbitahan sa inyo selebrasyon ng Buwan ng Wika.
Wika, isang importanteng paraan para tayo ay makapaghatid ng
ating alam, karunungan, balita at impormasyon, ang ating saloobin at damdamin. Sa pamamagitan ng wika tayo ay
nagkakaintindihan. Ang pagkakaroon ng
isang wika na naiinitindihan ng lahat ay nakakatulong upang tayo ay magkakaisa
at upang magkaroon ng isang mapayapang kumunidad. Ito rin ay nakakatulong upang umunlad bilang
isang bansa. Kung kaya’t nararapat na
ating pahalagahan ang ating wikang Pambansa, ang Filipino.
Tayo ay isang bansang may iba’t ibang dialekto. Tayo dito sa Negros ay nakakapagsalita at
nakakaintindi ng wikang Hiligaynon.
Cebuano naman ang dialekto ng ating mga kapatid na taga Cebu, at ibang
probinsiya sa Mindanao. Ilokano naman
ang salita ng mga taga Ilocos, at Waray naman ang salita ng mga taga Samar at
Leyte. Isa tayong bansa pero hindi natin
naiintindihan at nabibigkas ang dialekto ng ating kapwa Pilipino. Kung kaya, napakahalaga na magkaroon ng isang
wikang Pambansa, ang wikang Filipino, upang mapag-isa at magkaintindihan tayong
lahat. Ang wikang Filipino ang nag-uugnay sa atin upang tayo’y tumungo sa isang
direksyon bilang isang bansa.
Ang Filipino, ang ating wikang Pambansa, ay isang
pagpapatunay kung gaano katingkad ang kulay ng ating kasaysayan. Ito ay kaluluwa ng ating bayan. May maririnig tayong salitang Intsik, Malay, Espanyol,
Ingles, gayon man ay Nihonggo at ang bagong uso ngayon ay gay lingo at
Koreano. Nagpapatunay ito ng ating kasaysayan
at impluwensya. Hindi ba’t tayo ay
nakikipagkalakal sa mga Tsino at Malay gayun din ay sinakop ng mga Kastila,
Americano at Hapon? Natanggap na rin n
gating lipunan ang mga bakla at tomboy kaya’t malaya na silang nakakapagsalita
at nagkaroon pa nga ng gay lingo. Ang
ating wikang Pambansa, ang wikang Filipino ay hinubog ng panahon, at isang
repleksyon kung paano tayo hinubog bilang isang bansa, isang mamayang Pilipino
sa pagdaang ng maraming panahon.
Ang Wikang Filipino, higit kanino man, ay dapat bigyang
halaga nating mga Pilipino. Sabi nga ng ating
pambansang bayani, Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at
malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”Ating
ipagmalaki at ipagbunyi ang ating
pagiging Pilipino. Mahalin at pagyamanin
ang ating wikang Pambansa, ang wikang Filipino.
No comments:
Post a Comment